149

Sep 7, 2021 @ 17:54
By

Angelina Jolie natakot; rapist ‘kinampihan’ ni Brat Pitt

Inilantad ni Angelina Jolie na nagka-trauma siya sa dating mister na si Brad Pitt.

Sa bombshell interview niya sa The Guardian, ibinunyag ng aktres na noong asawa pa niya si Pitt ay natakot siya para sa kaligtasan ng kanyang mga anak, at sinabi ring inabuso siya ng dating film producer na si Harvey Weinstein.

Matatandaang naghain ng divorce si Angelina laban kay Brad dahil sa isyung child abuse tungkol sa insidenteng nangyari sa aktor at anak nilang si Maddox, 15-anyos noon, sa isang pribadong eroplano mula US patungong Europe.

Sa ginawang imbestigasyon noong 2016, inamin ni Brad sa FBI na nasigawan niya ang kanyang anak pero hindi niya ito sinaktan.

Inamin din ng aktor na nalulong siya sa alak at dumadalo sa Alcoholics Anonymous matapos ang divorce.

Isa pang isyu ni Angelina kay Brad noon ang pakikipag-deal nito sa aniya’y rapist na si Harvey, na umabuso umano sa kanya noong 21-anyos siya nang lumabas sa pelikula nitong “Playing by Heart”.

Pinag-awayan daw nila ito at nasaktan siya sa kagustuhan pa rin ni Brad na makatrabaho si Harvey.

“I stayed away and warned people about him. I remember telling Jonny, my first husband, who was great about it, to spread the word to other guys – don’t let girls go alone with him. I was asked to do ‘The Aviator’, but I said no because he was involved. I never associated or worked with him again. It was hard for me when Brad did.

“We fought about. Of course it hurt,” aniya.

Sa ngayon ay ongoing ang custody battle ng dating mag-asawa para sa mga menor de edad na anak na sina Pax, 17; Zahara, 16; Shiloh, 15 at 13-anyos na kambal na sina Vivienne at Knox.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?