86

Aug 23, 2018 @ 12:17
By

Angelica papalit sa timeslot ng comedy show ng ex-labs na si John Lloyd

Dahil tila wala na raw talagang balak pa si John Lloyd Cruz na balikan ang comedy show nila ni Toni Gonzaga sa ABS-CBN na “Home Sweetie Home”, tuluyan na umanong nagdesisyon ang management na sibakin na ito sa ere.

May katagalan na rin umanong naghintay ang HSH sa pagbabalik ni Lloydie sa show matapos itong magpahinga sa showbiz pero wala na itong pasabi kung babalik pa o hindi na.

Tsika nga na nag-e-enjoy na nang husto si John Lloyd sa pagiging ama ng kanilang baby ni Ellen Adarna at mas gusto na nitong manatili na lang sa Cebu.

Hindi naman din daw pwede si Papa P na pumalit kay Lloydie sa show at marami rin itong kailangang gawin. Ang alam daw ng guwapong aktor ay pansamantala lang ang pananatili niya sa HSH habang nasa bakasyon si Lloydie.

Ito umano ang rason kaya napagpasyahan na ng management na permanente nang alisin sa ere ang Home Sweetie Home.

At tsikang ang ipapalit sa iiwanang timeslot ng HSH ay ang comedy show na pagtatambalan nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.

Ano kaya ang sey ni JL na ang ex-gf niya na si Angelica ang papalit sa mawawala niyang comedy show?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?