1,180

Oct 29, 2017 @ 11:52

Angelica Panganiban tinalakan sa pagsingit sa immigration; ‘Kapal ng muka!’ — JC Valenzuela

 

PINAGPIPIYESTAHAN ngayon sa social media si Angelica Panganiban, dahil sa Facebook post ng netizen na si JC Valenzuela. Diumano, biglang-bigla ay sumingit na lang ang aktres sa pila sa immigration sa airport.

Heto ang eksaktong post niya:

“You know why the Philippines is poor? It’s because local hairstylists like Jing Monis, Juan Sarte and ‘celebrity’ Angelica Panganiban cuts the line in immigration. Good human behavior is free. Assholes.”

Sa Facebook wall ni JC ay nag-react din agad ang kanyang mga kaibigan. Sabi ni Gina Santi, “I would have called them out.”

“I called them out. Then took a pic bec they wouldn’t leave. Kapal pa rin ng muka,” sagot ni JC.

Say naman ni Gabby Conde-Bautista, “I’m sure last minute din sila to check in kaya nagmamadali sa immigration to catch their flight. Kakapal!”

“Same flight nga kami, eh, may 1.5 hours pa by then,” sagot naman ni JC.

Anyway, kasalukuyang nag-e-enjoy si Angelica ngayon sa Taiwan, at makikita sa Instagram stories niya ang mga pinupuntahan niyang restoran, night market at mga kinain niyang street foods.

“Spell busog! Busog na busog!” tsika ni Angelica sa IG story niya na tuwang-tuwa lang, at mukhang hindi naman apektado sa mga pinag-uusapan sa social media.

Kahapon ay nag-check ako sa FB ni JC at hindi na makita ang post niyang ‘yon. (DONDON SERMINO)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?