1,144

Dec 5, 2017 @ 15:49
By

Angelica Panganiban pantasya pa rin ni Derek Ramsay

AS per ABS-CBN obviously, ayaw pa munang magsalita ni Derek Ramsay ng anuman tungkol dito. Given na dahil hindi pa rin naman tapos ang kontrata niya sa TV5, although sinabi na ni Derek how happy he was na finally, nagkausap na sila ng Kapamilya at naayos na ang dating isyu.

But when it comes to him doing a movie at Star Cinema, dun siya excited lalo na nga raw at muli niyang makakatrabaho si Direk Ruel Bayani na director niya sa No Other Woman.

And since amoy na amoy naman na ang pagbabalik Kapamilya niya kunsaan, nanatiling loyal Kapamilya ang ex-girlfriend niya na si Angelica Panganiban, okey na okey raw kay Derek kung pagsasamahin man sila.

Sabi nga niya, “Of course, I said that ever since, Angel is the best actresses out there. Well you may say biased because she was my girlfriend but kung mabigyan ako ng opportunity to work with her at maganda ang script, I’m most definitely work with her.”

Muntik na nga raw silang magkatrabaho at um-agree na rin daw si Angelica, kaso hindi ito natuloy dahil sa mga schedules nila.

Ayon nga kay Derek, okey silang dalawa ni Angelica. May three or four times na raw siguro silang nagkausap after their break-up at kahit noong bumalik siya sa bakasyon at nasa Siargao naman si Angelica. Nagkataong kasama raw nito ang common friend nila na tinawagan niya at si Angelica pa raw mismo ang sumagot ng tawag at kamustahan sila.

Sabi namin kay Derek, kung siya ay matagal nang masaya sa lovelife, ang ex-girlfriend naman niya ay tila dumaan o dumadaan pa rin sa moving-on process after its break-up with John Lloyd Cruz.

“Angel will be okay. She’ll be okay. Angel will find the right guy. Imposibleng she doesn’t. She’s a wonderful lady,” ang buong ningning na sey niya sa ex.

Sa isang banda, with Derek both personal and career ay okey sa actor. Heto at isa ang balik tambalan nila ni Jennylyn Mercado na All of You na mapapanood sa 2017 Metro Manila Film Festival. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?