16

Sep 26, 2020 @ 17:31
By

Angelica Panganiban babu na sa teleserye

Magreretiro na sa paglabas sa mga teleserye si Angelica Panganiban.

Sinabi ito ng aktres sa online press conference kahapon para sa upcoming show na “Walang Hanggang Paalam”.

Ang “Walang Hanggang Paalam” na raw ang huli niyang teleserye.

“Masaya ako ngayon i-share at masaya ako na nakasama ko sa project na ito ay itong mga director na ito, itong grupong ito, mga artistang ito, dahil gusto ko na magpaalam sa larangan ng teleserye,” pahayag ni Angelica.

Hindi binanggit ng aktres ang dahilan ng pag-goodbye niya sa mga teleserye.

Nakatakda nang ipalabas ang “Walang Hanggang Paalam” sa Sept. 28 sa Kapamilya Channel kung saan makakasama ni Angelica sina Paulo Avelino, Zanjoe Marudo at Arci Muñoz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?