275

Angelica Panganiban ayaw muna sa lalake, Mas type sina Bela Padilla at Kim Chiu

AKSIDENTENG nakachikahan namin si Angelica Panganiban noong Sabado habang nasa isang café kami sa Quezon City. Nagkataon na ang location ng shoot nito para sa ‘Ang Dalawang Mrs. Reyes’ ay katabi lang ng café kung saan kami nakatambay.

Ang ‘Ang Dalawang Mrs. Reyes’ ay ang movie na pinagsasamahan nila ni Judy Ann Santos under Quantum Films.

Isa sa naging interesting na usapan namin ni Angelica ay ang pinag-uusapang friendship goals nila nina Kim Chiu at Bela Padilla. Nagpakuwento kami kay Angelica kung paano nga ba nagsimula ang friendship na ito.

“Sa party ‘yun ni Direk Andoy (Ranay). Kasama ko noon sina Cherry Pie (Picache), Agot (Isidro) Cherry (Gil). Tapos paglingon ko, nakita ko sina Kim and Bela, may mga kasamang ibang friends.

“So ‘yun, jumoin na ako sa table nila. Iniwan ko na sina Pie. Sabi ko, ‘gusto ko ito, mga bagets!’” kuwento ni Angge.

Mula noon, they look forward seeing each other. Kapag may pagkakataon na free silang tatlo, lumalabas sila. Uma-attend sila ng parties, premiere nights at kung anu-ano pa.

Dahil isa nga si Angelica sa pinaka-friendly na celebrity, malakas ang support group niya. Anuman ang pagdaanan niya sa buhay ay mayroon siyang mga kaibigan na masasandalan.

When asked kung kumusta na ang lovelife niya, “Wala! Wala pa din! At saka na ‘yan,” natatawang sambit nito.

Jake Zyrus, palaban kina Jona, Morisette at Janella

FIRST time ni Jake Xyrus sumali sa Himig Handog 2017. Walang qualms si Jake about joining a songwriting competition. Aniya, bilang Jake Xyrus, gusto nilang magsimula muli at maranasan ang sumali sa mga singing competitions.

Jake is interpreting the song Bagyo, entry ng couple mula sa Davao.

“I want to start fresh, and makasama ang iba pang singers in this competition,” sabi ni Jake.

“Bagay sa akin ‘yung song, Bagyo!” hirit pa niya, sabay tawa.

Bukod kay Jake, ang ibang singers na magiging interpreter sa Himig Handog ay sina Iñigo Pascual, Jona, Morissette, Kyla, Jason Dy, Migz Haleco, Moira, Kaye Cal, Unit 406 at Janella Salvador.

Magaganap ang grand finals ng Himig Handog sa November 26 sa ASAP. Isang milyong piso ang premyo para sa magiging grand winner.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?