214

Dec 12, 2017 @ 12:07
By

Angelica nakapag-move on na kay John Lloyd – Glaiza

Ipinagdidiinan ni Glaiza De Castro na nakapag-moved na ang kaibigang si Angelica Panganiban sa break-up nila ni John Lloyd Cruz ilang taon na ang nakakaraan.

Isang symphatizing and yet intriguing ang laman ng birthday message ni Angelica kamakailang sa kanyang Instagram account tungkol sa kanyang pinagdaanan sa buhay at sa pagnanais niya ngayong maging malaya nang wala nang iniintinding kahit ano para sa iba.

Hindi maiwasang pagdududahan nang netizen ang mensaheng ito ni Angelica dahil nasaktuhan namang pinaguusapan ang tungkol sa pagbubuntis ni Ellen Adarna na siyang current girl ngayon ni John Lloyd.

Sa tsikahan namin kay Glaiza sa nakaraang Christmas Party ng GMA 7, inamin nitong nawindang si Angelica sa balita tungkol kina Ellen at John Lloyd.

Pero giit nya, matagal nang nakapag-moved on ang kaibigan sa nangyari sa relasyon nila ni John Lloyd.

Kung anuman raw ang laman ng mensahe ni Angelica at sa pagnanais nitong makabangon para kay Glaiza ay maganda ito para sa kaibigan.

Malaking tulong raw ang bakasyon nilang dalawa sa Bhutan at Nepal para makapagisip-isip ang aktres at rumesbak sa kanyang buhay para sa sariling kaligayahan.

Na-windang rin si Glaiza sa amin at sa dalawa pang entertainment writers na nag-interview sa kanya sa backstage ng studio 7, kung saan namin siya nakatsikahan matapos ang kanyang participation sa party.

Komento niya bakit raw siya ang natatanong tungkol kay Angelica samantalang hindi naman siya ang spokesperson nito.

Paliwanag namin isa siya sa matatalik na kaibigan ni Angelica na puwedeng dumepensa dito o maglinaw sa press kaugnay sa birthday message nito.

Sabi naman ni Glaiza, mahirap magsalita on behalf of her friend kasi nga baka may masabi siyang puwedeng maka-offend sa kaibigan.

Kung ang lovelife naman ni Glaiza ang tatanungin, wala raw siyang boyfriend at hindi na nya muna ito pinagtutuunan nang pansin.

Samantala, magiging maganda ang pasok ng 2018 kay Glaiza sa bagong seryeng pagbibidahan niya ang “Contessa”, under GMA 7. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?