74

Jan 15, 2022 @ 14:48
By

Angelica nahirapang maging ‘Dr. Margie Holmes’

Kahit isa siya sa pinakamagaling na aktres sa showbiz industry, inamin ni Angelica Panganiban na nahirapan siya sa role niya bilang sexual guru sa WeTV series na “The Kangks Show”.

Sey ni Angelica, ang role niya bilang si Dr. Kara Teo ay parang si dating Abante sex therapist Margie Holmes na nagbibigay-payo sa mga may problemang seksuwal kaya naman ni-research niya ito, na pinagbasehan ng character niya.

“So may mga sex problem or sexual struggle na pinagdaraanan ang mga letter sender niya. Then siyempre intertwine ang mga sex problems na nangyayari rin sa buhay ni Doc Kara na napakakulay rin naman talaga ng buhay niya,” sambit ng aktres sa PUSH report.

Isa rin daw sa nagpa-challenge sa karakter niya ay ang 17 pahinang script na kinailangan niyang i-memorize.

“Umaabot ng 17 pages ang sinasabi ko nang ako lang ang nagsasalita. Tapos, bilang ‘yung oras n’yo dahil pandemic, so parang minamadali mo ‘yung isip mo na ma-memorize siya kasi pumapatak na ‘yung metro, so iniisip mo ‘yung budget ng show, iniisip mo ‘yung eksena ko, iniisip ko ‘yung lines ko,” paliwanag pa niya.

Sa kabila nito ay na-enjoy daw niya ang series dahil suportado ng cast nito ang isa’t isa.

“Bagong challenge talaga siya pero ang saya, kasi hindi umabot na nagalit ako sa set, nainis ako. Parang kanino ako magagalit? Wala namang may gusto noon ‘di ba? Siyempre lahat sila nakasuporta,” saad pa niya. (IS)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?