963

Apr 17, 2019 @ 11:36
By

Angelica muntik nang mamatay sa Japan

Ibinahagi ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ang masamang karanasan sa Japan.

Saad sa tweet ni Angelica, nakaabot naman siya sa kanyang flight ngunit kaakibat ng swerte ay nakaranas din ng kamalasan sa nasakyang taxi.

Bigla umanong umikot sa freeway ang taxi na nasakyan ni Angelica dahilan para magkaroon ng mga minor injury.

Nabigla lang umano ito nang singilin siya ng driver gayong muntik na umano silang mamatay sa nasabing insidente.

“Although umikot sa freeway yung taxi ko sa Japan. Masakit lang batok ko at may bukol. Pero ang importante, ligtas kami ni kuya driver. Nagtaka lang ako pinag bayad pa niya ko kahit muntik na kaming mamatay,” ayon sa tweet ni Angelica.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?