801
angelica-panganiban
Apr 20, 2018 @ 19:17
By

Angelica minura ng mga fan nina Carlo, JM

Ligwak na raw sina Carlo Aquino at JM de Guzman bilang next loveteam ni Angelica Panganiban! Inilantad ng aktres sa kanyang Instagram kahapon na si JC Santos ang next loveteam niya sa picture nilang kunwari ay magkalalapat ang mga labi nila.

“Next loveteam ko. @j.c.santos looking forward to work with you!!! Wag kayong feeling Carlo Aquino at JM de Guzman. Wag na tayo mag-work. Ang gulo-gulo ng mga fans niyo. Minura nga nila ako. Hahahah. Cute naman. Mahal na mahal nila ang idol nila. Kaya naman, magmahalan kayo. ‘Cheysi!!!! Cheysi!!! #EtoWalangBayad #HindiKoSiyaEx @j.c.santos yung usapan ah! @andoyranay)? MaghahandaAko,” caption ni Angelica.

Ex-lovers sina Angelica at Carlo dahil nagkarelasyon sila nu’ng teenager pa lang sila. Nang bumalik sa pelikulang Meet Me At St. Gallen si Carlo, ang nakaraang relasyon sa dating GF ang napag-usapa kesa sa leading lady niyang si Bela Padilla.

Eh, na-spot-an pa silang dalawa na magkasama sa panonood ng volleyball game ng fave team ng aktres na Ateneo, kaya hinala ng iba eh magsasama sila sa isang project.

Lumutang din ang pangalan ni JM nang magbalik-showbiz ang aktor. Inaalala ng netizens ang pagsasama nila sa hit at critically-acclaimed indie movie na That Thing Called Tadhana.

Ngayong si JC ang iponoste ni Angelica na next loveteam niya, na balitang talent din ng friend niyang director na si Andoy, mas malaki ang chance na ang aktor ang posible niyang makapareha, huh!

Teka, ang sama naman nung eksena na minura siya ng fans nina Carlo at JM? Kaloka talaga ang mga fan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?