61

Aug 6, 2022 @ 15:41
By

Angelica malapit na manganak: Nakaka-emo yung bilis ng mga pangyayari

Biglang nakaramdam ng pagka-emo o emosyonal si Angelica Panganiban dahil sa bilis ng mga pangyayari sa kanyang buhay.

Ito’y dahil malapit nang manganak ang aktres.

Sa kanyang IG story ngayong Sabado, ibinahagi ni Angelica ang larawan kasama ang asawang si Gregg Homan. Kwento ng aktres, ‘last two long drives’ na lang at manganganak na siya.

“Last two long drives love.. then Manila base na tayo waiting for our bean.. pagbalik natin ng Subic, may bitbit na tayong baby,” ani Angelica.

Marso nang ianunsyo ng aktres na siya ay nagdadalang-tao. Kaya naman, bigla na lang siyang nakaramdam ng pagka-emo dahil sa bilis ng panahon.

“Nakaka emo yung bilis ng mga pangyayari. But at the same time, game na game na ‘ko matapos ‘to,” dugtong pa niya, kung saan naglagay pa siya ng hashtag na #33weeks.

Babae ang magiging anak nina Angelica at Gregg, na binuking sa isang gender reveal party.

https://www.instagram.com/stories/iamangelicap/2898616243201008592/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?