74

Apr 19, 2021 @ 16:09
By

Angelica kay Kim: Napakasarap mong magmahal

Pinapurihan ni Angelica Panganiban si Kim Chiu sa ika-31 kaarawan ng huli ngayong araw.

Sa Instagram, binida ni Angge ang swimsuit photos ni Kim, gayundin niya at ng kaibigan nilang si Bela Padilla.

Hiniling din niyang sana ay makalangoy na sila sa lalong madaling panahon.

“MOMSIE!!!!!!! Happy birthday!!!! Napakabuti ng puso mo, napakasarap mong magmahal, napakaswerte ng mga taong inaalagaan mo, pinagpapasalamat ko palagi kay God na naging kaibigan kita,” sey ni Angelica.

“Masayang-masaya kami kapag kasama ka namin. Hindi lang dahil sa pinapatawa mo kami, kundi dahil sa hinahayaan mo kaming paglaruan ka.”

“Sana makapag-swimmingst ulit tayo, with your snorkeling thingst. Kailangan na natin mag-crash sa isang bday party verver soon. Love you momsy kimmy! Happy birthday,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?