32

Jun 20, 2020 @ 17:29

Angelica kabado sa pagtaba

NI: ARCHIE LIAO

Apektado sa kanyang pagtaba si Angelica Panganiban dahil sa epekto ng home quarantine.

Emote niya sa Twitter:”May magkaka crush pa kaya sa akin…hay.Nakakabaliw na rin ang quarantine life.”

Pinakalma naman siya ng kanyang mga follower at sinabing marami silang may crush sa actress.

Hirit pa nila, kahit daw majubis, nag-iisa lang ang aktres dahil nagtataglay ito ng pinakamagandang mukha sa balat ng showbiz.

Komento naman ng isa pang malusog na aktres na si Cherie Pie Picache:”Wag kang ganyan.Baka tuluyan na akong mawalan ng pag-asa.Ikaw pa ba?”

Sey naman ng isang @LGusly916:”Angelica, don’t make men know that you are looking for a partner.It’s human nature.They’ll be afraid to even get close to you.Just wait.The right guy will come.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?