73
Angelica
By

Angelica, hindi makikipagbalikan kina Carlo, Derek, John Lloyd

Sharing is caring!

Sa tanong kay Angelica Panganiban kung kelan siya magiging Mrs. Reyes sa totoong buhay, isang malaking tawa ang kanyang isinukli. Parang hindi pa nga raw niya pinangarap na maging misis lalo na kung kloseta pa ang kanyang magiging asawa.

Pero, in case nga raw, kung mahal na mahal na niya ito bago pa niya ma-discover baka matanggap na rin niya with a lot of caution.

Wala na ring nakapagtanong kung hindi raw ba siya nanghinayang na maging Mrs. John Lloyd Cruz dahil wala nang pagkakataong maitanong ito sa kanya, maging ang damdamin niya tungkol sa kasalukuyang estado ng pag-ibig nito kay Ellen Adarna.

Eh, ano naman kaya ang chance na magkabalikan sina Angge at Carlo Aquino ngayong pareho silang single? Hiwalay na si Carlo sa kanyang girlfriend of six years, at sobrang magkaibigan sila ngayon ni Angge.

Pero sabi nga ni Angelica sa interview sa kanya ni Boy Abunda, hindi siya makikipagbalikan sa kahit na sinong ex-boyfriend niya, kaya bye-bye Carlo agad ang isyu.

Pero, malay natin, magbago ang ihip ng hangin. Sa kadulu-duluhan ay silang dalawa pa rin, devah?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?