15

Sep 22, 2020 @ 17:26
By

Angelica ‘di naawat maging pusa

May bago na ngang proyekto si Angelica Panganiban.

Ito’y ang pagiging voice actor sa “Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story,” ang unang tatak-Pinoy na animated film sa Netflix.

“Papasukin ko ang lahat ng larangan. Hindi ko pinalampas ang animation bilang pusa,” sey ni Angge sa Instagram kahapon.

“Walang makakapigil sa kasipagan ko 😂,” aniya pa kalakip ang hashtag na “hayop ka”.

Bukod kay Panganiban, maririnig din sa Hayop Ka! ang boses nina Sam Milby, Robin Padilla, Empoy Marquez, Piolo Pascual, Arci Muñoz, Eugene Domingo, Yeng Constantino, Moira dela Torre, at Joyce Bernal.

Mapanonood ang nasabing Pinoy adult-animation film sa Netflix simula Oktubre 29.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?