18

By

Angelica at Zanjoe pinagsabong sa Matanglawin

Sharing is caring!

Sina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo ang matutunghayan sa mainit na kompetisyon bilang magkaribal sa mga usaping pambahay sa ‘Matanglawin’ kasama si Kuya Kim Atienza ngayong Linggo (Setyembre 9), 9:45 am sa ABS-CBN.

Magpapagalingan ang mga bida ng bagong seryeng ‘Playhouse’ sa ‘Isang Tanong, Isang Sagot’ challenge, kung saan susubukin ang kaalaman nila sa mga bagay na makikita sa loob ng bahay. Mananalo kaya si Angelica gamit ang mga hirit at patawa niya? O masusuyo ba siya ni Zanjoe para manalo?

Samantala, sasamahan naman ng mga hurado ng ‘The Kids’ Choice’ na sina Onyok, Xia, Chunsa, Carlo, at Jayden si Kuya Kim para matutunan ang siyensya sa likod ng asukal. Alamin din kung paano gumawa ng mga iskultura gamit ang cotton candy.

Kilalanin naman ang pitong taong gulang na batang naakyat na ang higit limampung bundok para lang maghatid ng school supplies sa mga bata sa malalayong lugar. Alamin ang kuwento ng misyon niya kasama ng organisasyong Trails to Empower Kids (TREK).

Huwag palampasin ang kanilang mga trip sa pinaka-pinarangalang educational program sa bansa ngayong Linggo, 9:45 am sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Manood online sa iwantv.com.ph, skyondemand.com.ph. Sundan ang kanilang Facebook at Twitter (@MatanglawinTV).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?