132

Jun 22, 2021 @ 15:39
By

Angel sinorpresa bulag na ama ng massage chair

Ngiti ang namutawi sa tatay ni Angel Locsin matapos itong makatanggap ng espesyal na regalo mula sa aktres sa Father’s Day.

Biro ni Angel, batid daw kasi niya na hindi nasasarapan ang ama sa masahe niya kaya naisip niyang bilhan na lamang ito ng massage chair.

“Perfect gift for the perfect dad 🙂 Alam kong hindi siya nasasarapan sa massage ko kaya binili ko na lang siya ng massage chair,” sey ni Angel sa Instagram post.

Abot-tenga naman ang ngiti ng kanyang ama na umupo agad sa regalo ni Angel.

“Happy Father’s Day to all the dads!” dagdag ni Angel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?