65

Jan 10, 2022 @ 16:59
By

Angel sinagot gastos sa libing ng manunulat

Bumilib ang showbiz columnist na si Lolit Solis sa pagiging generous ni Angel Locsin.

Nalaman kasi ni Lolit na si Angel ang nagbayad ng funeral expenses ng isang kasamahan niya sa pagsusulat, na hindi na ipinamalita pa.

“Ang sarap talaga makita na hindi nagdadamot iyon mga stars na nakaka angat sa panahon na ito. Mga tulong na hindi ipinakita, ipinaalam, ibinalita at pinakunan ng photos. Kasi nga para bang iyon natitira mong konting dignity sa katawan parang nawala na pag nakita o ipinakita na inaabutan ka. Puwede naman gawin iyon ng hindi kailangan ibalita pa,” saad ni Lolit sa Instagram post.

“Hindi ba nakakagulat na malaman mo na lang na si Angel Locsin ang nagbayad ng funeral expenses ng isang kasamahan sa pagsusulat ? Hindi ba ang gandang basta na lang sinabi ni Boobay na si Marian Rivera ang nagbayad sa hospital bills niya? Na minsan ang binigay ni Billy Crawford sa carolling ay 150K? Mga gestures na nalalaman lang natin ng biglaan, hindi nag ingay. Mas maganda di ba? Mas sincere,” dagdag niya.


(IS)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?