90

Sep 11, 2021 @ 10:59
By

Angel sa pagtalak ni Roque sa doktor: Siya ba si DOH?

Binatikos ni Angel Locsin ang panenermon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa dalawang doktor na dumalo sa IATF meeting.

Nag-viral ang video at inamin ni Roque na tumaas ang kanyang boses subalit hindi siya nagmura taliwas aniya sa nais palitawin ng mga kritiko.

Naging emosyonal daw siya nang kontrahin niya ang doktor na gustong manatili sa hard lockdown ang Metro Manila.

Samantala sa kanyang Instagram Stories, kinuwestiyon ng aktres kung bakit kailangan pang sermonan ang mga doktor na ipinatawag para hingan ng opinyon.

“Naiintindihan ko yung concern para makapaghanap-buhay na ang mga tao. Pero bakit sinermonan yung mga medical workers natin pagkatapos ipatawag para humingi ng opinyon?

“‘Di ba spokesperson siya ng presidente? Siya na rin ba si DOH o employer ng mga medical workers?” ani Angel.

Inurirat din ng aktres ang tungkol sa delay na pagbibigay ng benepisyo sa mga health worker.

“Ang employee may karapatan na benefits. Ibigay kaya muna yung benefits na hindi pa nababayaran.”

Narito ang screenshot ng IG Story ni Angel:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?