33

Aug 11, 2020 @ 17:12
By

Angel sa mga korap: Mabulok sa kulungan!

Nagngitngit si Angel Locsin sa anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Reaksyon niya ito sa isang article ng Inquirer kung saan binunyag ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri ang marami pang “money-making schemes” sa ahensiya.

Sa kanyang Instagram Story inamin ni Locsin na tutol siya sa death penalty pero ang mga taong nagnanakaw sa mga mahihirap at may sakit ay deserving daw mapatawan ng parusang kamatayan.

“I’m against death penalty. But for the people who steal from the poor and sick, especially during a pandemic, you deserve the death penalty,” aniya.

Pero sa isa pang Instagram Story binawi ni Locsin ang sinabi at gusto na raw niya’y makulong habambuhay ang mga corrupt official nang walang parole.

“Changed my mind. Mahaba-habang pagkakakulong sa siksikan na preso, with no chance of parole para sa mga walang pusong corrupt officials,” giit niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?