101

Angel pumiyok na sa pagtanggi ni Luis na mag-host sa ‘PGT’

Ayaw magkomento ni Angel Locsin hinggil sa espekulasyon na siya ang dahilan kaya tinanggihan ni Luis Manzano ang pagho-host sa season ngayon ng ‘Pilipinas Got Talent’.

Si Angel ay nananatiling hurado sa bagong season ng PGT at sa ginanap na auditions nagbigay siya ng maiksing sagot hinggil sa isyu sa dating boyfriend.

“Honestly, I am not involved in the decision-making process, so I don’t want to comment about that. What I know is that he has [another] show to do,” ani Angel sa ulat ng PEP.

Sinabi pa nitong walang problema sa kanya kung makakatrabaho niya ulit ang TV host sa isang show kahit pa nga may nakaraan sila nito.

“I’ve done it when we were in trouble, so I don’t see why I can’t do it now,” sabi pa ni Angel.

Kasalukuyang may karelasyon si Luis na si Jessy Mendiola, habang maligaya naman si Angel kay Neil Arce.

Nagkabalikan sina Luis at Angel noong 2014 pero nagkaroon ng ‘major misunderstanding’ sa pagitan nila, ayon sa una, kaya’t nauwi rin sila sa hiwalayan, sa ulat ng ABS-CBN News.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?