705

By

Angel pumalag sa akusasyong sawsaw sa Bea-Gerald issue

Sinagot ni Angel Locsin ang paratang ng mga fan ni Julia Barretto na nakikisawsaw siya sa isyu ng pagiging third party umano ng kanilang idolo kina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Magugunitang in-unfollow umano nina Angel, Angelica Panganiban at Loisa Andalio si Julia matapos mag-viral ang rumored relationship nito kay Gerald Anderson.

“Ano ang ginawa ni Julia sa iyo para makisawsaw ka sa issue @143redangel Dissapointing!!!” sabi ng basher.

Nireplayan ito ni Angel ng: “Hindi sa nagmamayabang, pero lampas na kasi ako sa stage ng career ko para sumawsaw. Ikaw ang disappointing.”

Pinagtanggol si Angel ng ilang netizen at sinabing suporta lang iyon sa isang kaibigan na naagrabyado.

“Unfollow lang naman. That all she can do to support a friend. At mukha nga na malinaw sa kanilang friends kung ano nangyari dahil kita naman ang full support nila kay bea,” sabi ng isa.

“She unfollowed, bakit nakisawsaw na?” dagdag naman ng isa pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?