259

Jun 18, 2018 @ 10:51
By

Angel pinag-aagawan ng tatlong lalaki

Tatlo ang leading men ni Angel Locsin sa ­series niya sa ABS-CBN, ang “The General’s Daughter”. Noong una, ang alam ko ay dalawa lang dapat, pero nang maiba na ang casting, naging tatlo na, ha!

Pero tama ba ang narinig ko na sa tatlong leading man, ‘yung part ni Paulo Avelino ang pinakamatindi? Well, kaabang-abang nga kung paano pag-aagawan ng tatlong lalaki si Angel, ha!

Anyway, marami na ang excited para sa bagong series na ito ni Angel kung saan ay marami siyang action scenes na hindi na naman bago sa kanya dahil kahit noong nasa GMA-7 pa lang siya ay may mga nagawa na rin siya na nagpamalas ng galing niya sa genre na ito!

Siyanga pala, marami naman ang hanggang ngayon ay pumupuri pa rin sa kabutihan ng puso ni Angel. Sa halip na mga bonggang party kasi ang gawin niya, mas pinipili talaga niya ang tumulong sa mga kapus-palad.

Hindi rin siya magarbo pagdating sa pananamit, at hindi nga siya mayabang na idini-display talaga ang mga mamahalin niyang gamit. Mas makikita mo siya na umaakyat ng bundok, at nakikihalubilo sa mga kababa­yan nating mahihirap na naka­tira sa bundok.

Anyway, heto ang post ni Angel, na dahilan para lalo ­siyang mahalin ng mga tagahanga niya:

“Forgive me posting this. I’m just bursting with pride for my dear Angels for organizing a charity event with the elderly of Anawim for my birthday. Alam nila na mas magugustuhan ko ito kesa sa mag-party. Salamat.

“They opt to donate their funds para kina lolo at lola 🙂 confident daw kasi sila na mapapalitan, hehe 🙂 I also like to thank my endorsements Ha­pee toothpaste, Rhea Generics, Mosbeau, Avon & Mang Inasal for donating goods, hot meals, and other essentials to Ana­wim. Thank you for going there and staying late with them, too.

“Also, sa ibang group naman ng angels, I saw ‘pass an envelope for Marawi’ kay kuya ­Binoe, na-touched ako. Salamat. Salamat, Angels! Mahal ko kayo! Balik tayo please :)”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?