209
angel-locsin-neil-arce
By

Angel, Neil sa Japan naglambingan

Tuluy-tuloy ang tamis nang relasyon nang magkasintahang sina Angel Locsin at Neil Arce.

Nakabalandra sa Instagram wall ni Angel ang pagsasama nila ni Neil sa bakasyon nila sa Japan, kung saan sila naglalambingang magsyota.

Dalawang magkakasunod na photos ang pinoste ni Angel sa IG wall nya na kuha sa pamamasyal nila sa Kyoto.

Makikita sa unang photo na naka-upo pa si Neil sa handle ng bridge habang nakatayo naman sa tabi nya si Angel.

Sa second photo naman ay nakatalikod silang dalawa sa larawan habang si Neil naman ay may hawak na kamera at kinukuhan ang nasa harap nilang view.

Nakaposte naman sa IG wall ni Neil ang selfie photo nila ni Angel sa isang resto na may divider.

Mababakas sa mukha ni Angel ang kasiyahan sa pagkakaroon niya nang lovelife kay Neil at base sa mga comments ng mga fans at followings nang aktres, umaasa at nanalangin ang mga itong maging matagumpay na sa pagkakataong ito sa kanyang buhay-pag ibig ang kanilang idol.

Nakahanap si Neil nang girlfriend na nabibigyan siya nang kaukulang atensyon at ito ay sa piling ni Angel.

Sa mga naunang interview ni Bela, sinabi nitong ang kawalan nya nang panahon para sa relasyon nila ni Neil ang dahilan nang kanilang break-up.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?