113

By

Angel-Neil hindi nagpatalo kina Jessy-Luis sa lambingan sa NZ

Sharing is caring!

Hindi solo nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang pagkakaroon ng cheesy pictorial sa New Zealand.

Join din ang rumored lovers na sina Angel Locsin at Neil Arce na chill lang sa kuhang magkasama.

Pero kahapon, lumarga na ng isang post si Angel sa IG niya na face to face sila ni Neil sa photo. “Anyday spent with you is my favorite day @neil_arce,” caption ni Gel.

Eh may poser si Anne Curtis na gamit ang user name na @annecurtis_4_fhm200. Hindi na namin makita ang comment niya dahil mahigit 1000 ang nakapaloob sa thread ni Gel. @annecurtis_4_fhm20 “Ang sad lang na kelangan mo pang gamitin si Anne para sa agenda mo. Move on na tayo girl.”

Take note na maging si Jessy ay pinutakti rin ng bashers sa presence niya sa kasalang Anne at Erwan, huh! Patola rin ang girlfriend ni Luis!

Sa totoo lang, higit na marami ang sumang-ayon sa bagong pag-ibig ni Angel, huh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?