4

Nov 3, 2020 @ 14:08
By

Angel nangangambang ma-red-tag mga tutulungan sa bagyo

Napaiyak si Angel Locsin nang sambitin niya ang pangambang baka bukod sa kanya ay ma-red-tag din ang mga komunidad na tutulungan niya, sakaling ipagpatuloy ang relief operations para sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly.

“Parang itong parating na bagyo, ‘di mo alam kung lalabas ka ngayon para tumulong. Ewan ko, baka iyong puntahan ko baka ma-red tag kami, baka madamay,” sambit ng aktres sa ABS-CBN’s Teleradyo, Oktubre 31, isang araw bago mag-landfall si Rolly.

“Siyempre wala naman kaming ganoong resources kagaya nila para protektahan ang sarili namin,” aniya pa.

Matatandaang sinapubliko ni NTF-ELCAC spokesperson ang hinala nitong si Angel, ang kapatid nitong si Ella Colmenares, at pamangkin na si Atty. Neri Colmenares ay mga miyembro ng New People’s Army-Quezon.

“Kung mayroon silang sapat na katibayan, bakit hindi nila kami idemanda? Tutal sigurado sila, may source sila, intent sila, bakit nagkakamali pa po sila sa ebidensya. Pero hindi e, gusto nilang sirain kami sa social media,” banggit ni Angel.

Kilala si Locsin sa kanyang pagtulong sa mga Pinoy na kumaharap sa iba’t ibang sakuna kada taon, kabilang ang pandemyang COVID-19.

Nito lang ay napabilang ang aktres, na isa ring environmental at animal welfare activist, sa Tatler Asia’s The Gen. T List at sa Forbes Asia’s Heroes of Philanthropy 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?