22

Nov 12, 2020 @ 16:57
By

Angel may payo sa mga gustong tumulong sa Ulysses casualty

May tatlong bagay na pwedeng gawin ang mga netizen na gustong asistehan ang mga biktima ng Bagyong Ulysses, ayon kay aktres Angel Locsin.

Una’y tingnan ang social media para makita kung sino ang mga kailangang i-rescue.

Pangalawa aniya ay tulungan ang mga ito na maabot ang Philippine Red Cross at iba pang rescue group.

At panghuli ay magbigay ng donasyon.

“You can help and stay in the safety of your home,” sey pa ni Angel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?