125

Sep 18, 2021 @ 12:18
By

Angel maglalagay ng senador na karapat-dapat

Tinutulak si Angel Locsin na tumakbo sa pagka-senador dahil sa kabi-kabilang pagtulong nito sa mga kababayan lalo na sa kanyang mga kaibigan.

Kamakailan lamang isang dating child actor na si Lester Llansang ang nagpatotoo sa kabutihan ni Angel at ikinuwento kung paano siyang tinulungan ng aktres nang walang kapalit.

Dahil dito, nag-suggest si Ogie Diaz kay Angel na tumakbo sa Senado.

Pero ang sagot daw ni Angel sa kanya ay, “Maglalagay tayo ng senador na karapat-dapat, hindi ako.”

Ibig sabihin aniya ay magiging aktibo si Angel sa eleksyon sa pamamagitan ng pangangampanya sa bet niyang kandidato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?