63

Sep 11, 2021 @ 22:28
By

Angel Locsin wagi 2 NCCAA award

Kinilala ang kabutihan ng puso at pagtulong sa kapwa ni Angel Locsin matapos magwagi ng dalawang parangal sa National Customers’ Choice Annual Awards (NCCAA).

Si Angel ay ginawaran ng NCCAA Legacy Icon Award 2021 para sa kanyang philanthropic work at National Customers’ Choice Achievement Award 2021 para sa kanyang pagiging public service show host.

“Thank you National Customers’ Choice Annual Awards Council for the honor of receiving 2 recognitions from your organization!” pahayag ni Angel sa kanyang IG post.

Hindi ito ang unang pagkakataon na kinilala ang humanitarian efforts ng aktres.

Patunay rito, noong 2019 ay nakatanggap din siya ng parangal mula sa prestihiyosong Forbes Asia bilang ‘Heroes of Philanthropy.’

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?