191
angel-locsin-neil-arce1
By

Angel Locsin umaming sila na ni Neil Arce

Finally inamin na ni Angel Locsin na silang dalawa na nga ng film producer na si Neil Arce. Pero, nilinaw niya na ngayong buwan lang talaga nagkaroon sila ng pormal na relasyon, pero ang pitong taon nilang friendship ang pinaka-solidong foundation sa kanilang kabagu-bagong relasyon.

Wow! At least, umamin na, devah, unlike sa iba, pero katsa­ringan ang mga sagot, e, buking na buking naman.

Ayaw raw ma­ging echoserang frog ni Angge kaya gusto na rin niyang lagyan ng label ang namamagitan sa kanila ni Neil lalo na at tuwing may tsikahan, ito at ito ang natatanong sa kanya. Honest girl, huh!

Ang mahalaga, tanggap si Neil ng kanyang Daddy at kita namang mahal nito ang kanyang pamilya.

Well, ibig sabihin nito ay bongga ang kanyang Valentine’s Day, noh! Hindi raw mahilig sa celebration ng V-day ang Kapamilya actress, pero ang alam niya ay may inihahanda para sa kanya ang kanyang dyowa.

Ayaw raw niyang usisain o alamin para kahit papaano ay may element of surprise naman ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?