20

Apr 23, 2021 @ 18:58
By

Angel Locsin tutulungan pamilya ng nasawing lolo

Humingi ng paumanhin si Angel Locsin sa pamilya ni Rolando dela Cruz, isang lolo na nasawi habang nakapila sa community pantry na itinayo ng aktres.

Sa Facebook post ni Angel, kinuwento nito na alas-3 pa pumila ang matanda para makakuha ng ayuda sa community pantry.

Nilarawan din ni Angel na ‘isang masipag na ama na nagtitinda ng balut’ ang yumaong senior citizen.

“Bago po ang lahat, humihingi po ako ng tawad sa pamilya. Kanina po pinuntahan at nakapagusap po kami ng personal ng mga anak nya sa ospital. At habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila,” ayon sa Kapamilya actress.

sa tingin ko, tama lang po na sa akin ninyo na marinig na totoo po ang balita na may inatake at namatay habang nasa pila…

Posted by Angel Locsin on Friday, April 23, 2021

Inako din ni Angel ang nangyaring kaguluhan at nanawagan na huwag idamay ang ibang community pantry sa nangyaring insidente.

“Sa ngayon po, I will prioritize helping the family and I will make it my responsibility to help them get through this,” aniya pa.

Si Dela Cruz ay naisugod pa sa ospital matapos mahimatay, ngunit dineklara rin itong dead-on-arrival.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?