68

Apr 6, 2020 @ 8:21
By

Angel Locsin tumulong sa BuCor

Pumunta sa Bureau of Corrections ngayong umaga ang showbiz couple na sina Angel Locsin at Neil Arce.

Sa ulat ng Radyo Pilipinas, sinabing namahagi ng isolation tents ang dalawa para sa mga health service frontliner doon.

Una nang nagbigay sina Angel at Neil ng isolation tents sa mga ospital, sa ilalim ng proyektong “#UniTENTweStandPH”. Katuwang nila rito ang mga kapwa celebrity at iba pang donor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?