60

Nov 22, 2021 @ 18:02
By

Angel Locsin tinawag na imbento ang basher

Talagang hindi inurungan ni Angel Locsin ang isang basher matapos nito mag-reply sa isang comment ng aktres.

Matatandaang kamakailan, sinampahan ng kasong sex trafficking si Pastor Apollo Quiboloy ng U.S. prosecutor.

Marami namang artista ang nagpahayag ng pagkadismaya kay Quiboloy, kasama na rito si Angel.

Sa Instagram post ng ABS-CBN News, binalita nito ang nasabing issue kay Quiboloy, dito naman nag-comment si Angel.

Sabi ng aktres: “Minor = Rape. Sana maprotektahan agad yung mga naglakas loob na magsalita.”

May isang netizen naman ang nag-reply kay Angel at sinabing nagmamalinis daw ang aktres.

Inakusahan pa ito ng basher na tumatakas sa taping para umano makipagtalik sa nobyo.

“@therealangellocsin Ay wow. Malinis ka? E diba ikaw yung tumatakas sa taping dati sa GMA para makipagkita sa dyowa mo at makipagdyugyugan? Tanong pa natin si Valerie Concepcion,” reply ng basher.

Pinatulan naman ito ni Angel at sinabihan na ‘wag mag-imbento ng isyu at hindi rin daw niya ikamamatay ang tsismis.

“Huy wag kang mag imbento ng issue para may pagtakpan. Tag ko pa si @v_concepcion o. Hindi ko ikamamatay yang chismis mo. Mag dasal ka,” ani Angel.

Sinagot din ni Valerie ang comment at sinabing ‘wag na lamang pansinin ang basher.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?