26

Sep 23, 2021 @ 14:38
By

Angel Locsin sa fans: ‘Your body, your rules’

Matapos mag-viral ang kanyang larawan sa social media na nagpapakita na malaki ang kanyang ipinayat, may payo si Angel Locsin sa ibang kababaihan na conscious sa kanilang pangangatawan.

Nangamba si Angel na baka marami ang ma-pressure na magpapayat dahil sa nag-viral niyang post.

“So for those struggling to lose that extra weight, please don’t feel pressured. I tell you that I understand that it’s not easy, having been fighting weight gain for years,” pahayag ni Angel sa kanyang social media post.

Payo ng aktres, imbis na ma-pressure na magpapayat ay mas makakatulong kung mamahalin ng bawat isa ang kanilang katawan, dahil hindi umano mahalaga ang sasabihin ng iba.

“Pressure did not and will not help. Just take your time. Your body, your rules. Just don’t forget to love every inch of you in the process, no matter what other people may say. You are more than your weight or how you look. What’s important is how you feel and think of yourself. Shine. Don’t let the perception of others dim your light. I know you are trying. I know it’s hard. I understand,” dugtong pa ng aktres.

Kaya naman, sa mga gustong magpapayat, sinabi ni Angel na huwag hayaan na ibang tao ang magdikta ng ‘pace’ sa pag-achieve ng dream body. (MJD)

https://www.facebook.com/AngelLocsin/posts/423215465828946

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?