83

Oct 23, 2020 @ 13:13
By

Angel Locsin red lipstick ang sagot kay Parlade

“No to red-tagging. Yes to red lipstick.”

Hashtags ito na bungad ng tugon ni aktres Angel Locsin sa pagdamay sa kanya ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. sa warning kay aktres Liza Soberano.

Martes sa Facebook, hinikayat ni Parlade na huwag nang suportahan ni Soberano ang women’s group na Gabriela, at dapat aniyang malektiyuran ito sa “tunay na hangarin” ng nasabing grupo. Naging speaker ang aktres sa isang Gabriela Youth webinar.

Sabi pa ni Parlade kina Liza at beauty queen Catriona Gray, huwag “sundan ang landas” ni Ella Colmenares na “nag-underground” diumano at naging miyembro ng New People’s Army.

Si Ella, na kapatid ni Angel, ay nauna nang pumalag sa “red-tagging na walang batayan” ng NTF-ELCAC official.

“To set the record straight, hindi po ako parte ng NPA or any terrorist group ?. Neither my sister nor my kuya Neri is a part of the NPA or any terrorist group,” sey ni Locsin sa Instagram, Biyernes.

“May paniniwala ako, may paniniwala ka. At sa ilalim Ng Consitution, pareho tayong mayroon karapatan sa ating nga sariling paniniwala. Kung mag kaiba tayo, hindi ibig sabihin pwede mo na ako i-red tag. Hindi tayo magkakalaban dito. Hindi rin ako “red”. Magkaiba lang tayo ng paniniwala,” punto niya pa.

Nilista rin ng aktres ang mga serbisyo na dapat aniyang paglaanan ng pondo, imbes na ginagamit sa “mga paratang na walang basehan at pananakot na red tagging.”

“Nakakalungkot po isipin na dito napupunta ang malaking halaga na 19.3B, sa mga paratang na walang basehan at pananakot na red tagging,” ayon kay Angel.

“Sana ibigay na lang po sa ibang departamento ng AFP katulad ng medical reserve corps o pagtaas ng sweldo at pension ng mga sundalo natin. Malaking tulong rin po for purchasing vaccines or other covid response programs. Many of our country men need financial assistance. Mga OFW na nawalan ng trabaho. Madaming mas nangangailangan ng pera ngayon. Sana doon na lang ilaan at sana doon ibuhos ang oras,” dagdag niya.

Humiling din siya sa madla na suportahan ang mga personalidad, gaya nina Soberano at Gray, na nire-red-tag “just because they are expressing their beliefs peacefully.”

Hindi aniya niya magagawang balewalain lang ang “baseless and reckless red-tagging” ni Parlade dahil nilagay nito sa panganib ang kaligtasan niya, ng kanyang kapatid, at kanilang pamilya.

“Nanawagan po ako sa kinauukulan, na itama po ang mali na ito. Tigilan na po ang red tagging,” bigkas ni Locsin.

“The statement made is utterly false and places ordinary citizens like us, those who they swore to protect, in danger,” aniya pa.

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?