602

Oct 20, 2018 @ 22:03
By

Angel Locsin pinuri ang propesyonalismo ni Maricel Soriano

Magkasama sa bagong ABS-CBN TV series na ‘The General’s Daughter’ sina Angel Locsin at Maricel Soriano.

First taping day pa lang ni Angel ay si Maricel agad ang naka-eksena niya. Puring-puri niya ang professionalism ng Diamond Star.

Ani Angel, “Sobrang kabado ako kasi si Ms. Maricel, alas-siyete ang call time, alas-kuwatro pa lang, nangangatok na siya sa mga kuwarto. Ganoon siya ka-professional.

“Dumarating siya ng naka-body make-up na. Doon kasi, mahirap iyong role niya. Ang puti-puti pa niya, so, kailangan pa niyang magpa-dark. And on time siya palagi, she’s very professional.

“Ang galing pa rin niya and wala pa rin siyang kupas and she’s very supportive.”

Gumaganap si Angel sa nasabing serye bilang isang sundalo at nabanggit ng aktres na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagte-therapy niya, tatlong taon mula nang nagkaroon siya ng spinal injury.

“They’re very careful sa mga ginagawa, naka-assist naman. After naman din ng ilang procedure, medyo okay naman ako. Ingat-ingat na lang din talaga. Hindi na po puwede na gaya ng dati, na ganoon kalikot. Ngayon, after ng mga eksena, ice pack, kasi may mga fight scenes din kami,” saad ni Angel.

Dagdag pa ng Kapamilya star, “On-going pa rin naman siya, para i-ready ko rin ‘yung katawan ko para sa next-day taping. Kung alam kong may mabigat na fight scene, gabi pa lang nagpa-pa-PT (physical therapy) na ako, para pagdating doon, walang problema.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?