445

By

Angel Locsin at Neil Arce, nanghawa ng ‘katamisan’ sa IG

Sharing is caring!

Biglang naging ‘love day’ ang Nobyembre 14 dahil sa mga cheesy photos at messages ng ilang showbiz couples.

Mula nang mag-post si Angel Locsin sa Instagram account niya ng photo nila ng boyfriend niyang si Neil Arce at sinabi niya sa caption na “Any day spent with you is my favorite day

@neil_arce”, hindi na naawat pa ang Kapamilya star na mag-express ng kanyang love sa businessman.

Mas cheesy ang sumunod na photo nina Angel at Neil kung saan nakatayo ang dalawa sa side deck view ng barko.

Magkadikit ang mga katawan ng dalawa na parang naghaharutan.

Parang nagayuma si Angel ng kasal nina Anne Curtis-Smith at Erwan Heussaff. Mas naging expressive kasi ang aktres sa kanilang dalawa ng ex ni Bela Padilla.

Hindi naman nagpatalo si Neil sa pagiging cheesy sa message niya sa IG sa happy moment nila ni Angel sa bundok.

@neil_arce: “After different 20 shots i picked the candid one, but then again no matter how good you are infront of the camera, you’re always at your best off it,” na sinundan ng tatlong kissing emoticon.

Sa IG rin masisilip ang lambingan ng mag-asawang Danica at Marc Pingris.

@danicaspingris, “home”, ang simpleng caption nito sa photo kung saan nakakandong si Danica sa asawang basketbolista.

Halos higit isang linggo na nawala si Danica sa piling ng asawa para dumalo sa wedding nina Anne at Erwan, kaya na-miss talaga ng mag-asawa ang isa’t isa.

Hindi man magkayakap ang magdyowang sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa photo nila na nakatayo sa ibabaw ng bangka, sapat na ang pagkaka-angkla nila sa isa’t isa para kiligin ang kanilang mga fans.

@mercado_jenny, “clear #dive”.

Galing sa diving ang dalawa na makikita sa kanilang suit.

Lantaran na ang relasyon nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz na sinasabing “happy relationship” dahil na rin sa mode shots na nakapaskil sa IG nina Ellen at Loydie.

Isa na rito ang video post ng dalawa na magkatabing nakaupo sa couch at naghaharutan sa victory sign.

Pinoste ito ni Ellen sa kanyang IG.

Kissing photo naman ng misis niyang si Regine Velasquez ang pinost ni Ogie Alcasid sa kanyang IG.

Kuha ang larawan sa isa sa pinakahuling leg ng concert tour nila sa Amerika.

@ogiealcasid, “thank you” ang messge caption nito na walang dudang nagpapasalamat ito sa asawa at kanilang audience na nanood ng kanilang show.
Ang tamis ha! (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?