38

Jul 19, 2021 @ 16:47
By

Angel Locsin nanamnamin pagiging wifey

Lie low muna sa kanyang showbiz career si Angel Locsin.

Sey ni Angel, nais niya munang ibuhos ang sarili sa kanyang married life.

“Ngayon talaga, lie low talaga ako. Hindi ko masabing stop kasi bilang artist, hahanap-hanapin mo rin talaga. Pero sa ngayon, lie low muna ako,” sabi ng tinaguriang real life Darna sa naging tsikahan nila ni Matteo Guidicelli sa podcast nitong “Matt Runs”.

“Gusto ko lang talagang ramdamin at i-absorb kung paano mag-prepare para sa isang married life,” dagdag niya.

Sabi pa ni Angel, pangarap niyang mabiyayaan ng anak at isang simpleng masayang pamilya.

Sigurado na rin daw ang Kapamilya actress na ang fiancé niyang si Neil Arce na ang kanyang “the one”.

“Yes, walang duda. Si Neil din naman kasi he’s very supportive talaga. Iba kasi ‘yung partner, iba ‘yung lover. ‘Yung partner kasi alam mong hindi ka iiwan sa ere kahit anong mangyari. Napakasarap lang ng pakiramdam ng ganu’n,” pahayag pa ni Angel.

Handa na rin daw siyang maging isang ina pero hanggang dalawang anak lang ang bet niya.

“Hindi naman basketball team. Mga isa or dalawa. Dati twins ang gusto ko pero nakita ko ‘yung mga kaibigan ko na may mga anak, parang hindi ko kaya na sabay,” chika pa ng aktres kay Matteo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?