935

By

Angel Locsin nakagat ng aso

Matapos gulatin ang kaniyang mga follower sa natamo niyang black eye kamakailan, nakagat naman ngayon si Angel Locsin ng aso sa mukha.

Sa kaniyang Instagram Stories, makikita ang minor injury ni Angel matapos kagatin ng aso.

“Ano bang nangyayari sa ‘yo ha?! Nakagat pa ng aso!” sabi ni Angel sa caption.

Nag-iwan ang kagat ng maliit na marka sa kaniyang baba.

Hindi naman idinetalye ni Angel ang insidente niya sa aso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?