59

By

Angel Locsin nagalit sa mga naninira kay Colmenares

Ikinagalit ni Angel Locsin ang bali-balitang namimigay umano ang Philippine National Police (PNP) ng mga tabloid na naglalaman ng maling impormasyon tungkol kay Neri Colmenares.

Inilabas ni Angel sa social media ang hinaing sa ginawang paninira at pagta-tag kay Colmenares bilang miyembro umano ng New People’s Army (NPA).

“Bakit grabe yung effort pra makasira? wala bang maibato kay @ColmenaresPH kaya kinakalat na komunista o NPA sya? dahil ba gumagawa sya ng paraan para sa kapakanan ng ordinaryong tao at hindi sa ikabubuti ng mga mapagsamantalang tao? Mag isip sana tayo,”aniya sa kaniyang Twitter post.

“It’s the lies and black propaganda I don’t understand. If you don’t believe in him don’t vote for him. Spreading lies and destroying the reputation of someone with pure intentions is what I don’t agree with,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?