182

By

Angel Locsin muntik nang mag-quit sa showbiz

Ibinahagi ni Angel Locsin ang nakalulungkot na dahilan kung bakit naisip niya noon na umalis na sa showbiz at mamuhay na lang bilang ordinaryong tao.

Aniya, nagpasa na siya ng resignation letter sa ABS-CBN pero hindi natuloy ang kanyang pag-alis.

Naramdaman kasi niya na hindi niya na-satisfy ang network at malaking disappointment lang siya.

“Ayoko na, e. Ayoko na noon, e, as in nagre-resign na ako, may letter na ako at lahat. Parang feeling ko, hindi ko deserve, hindi ko nagagawa yung trabaho ko, hindi ko… parang I’m a big disappointment. Sa body, di ko nagawa yung responsibility ko sa ABS-CBN, parang ganun,” ani Angel sa report ng Pep.

Sa kabila nito, hindi umano tinanggap ng executives ng ABS-CBN ang resignation niya sa halip ay binigyan pa siya ng maraming projects.

“Nahihiya ako kasi I’m paid, e. Kaya akala ko yun yung proper way kung paano i-deal yun. Buti na lang, yung mga boss ng ABS-CBN, kinausap nila ako… Parang naano ako na ito yung mga taong mami-miss ko, ito yung mga taong dapat i-treasure ko sa trabaho ko, di ba? So, gaganahan ka, e,” saad niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?