275

Mar 21, 2020 @ 14:36
By

Angel Locsin, may palibreng tulugan

BUMIDA na naman ang celebrity philanthropist na si Angel Locsin nang iabot nito ang kanyang kamay sa mga health workers.

Hindi pera at hindi relief goods gaya ng mga nauna niyang biyaya kundi sleeping tents para sa mga frontliner ang bago niyang ipinaabot.

Sa kanyang Instagram post ay dinetalye nito ang kanyang pakay.

“We, with the assistance and recommendation of the local government, are setting up sleeping tents within hospital premises for our health workers in the frontlines so they don’t have to worry about where to stay & transportation,” saad sa caption.

Kasabay nito ay kanya ring hinikayat ang publikong may mga extra-taping beds or folding beds na kung maari ay itulong din ng mga ito sa mga nangangailangan.

“To my friends in the industry, maybe you can spare your taping beds for our health workers? Also to everyone reading this, if you have available folding beds that we could borrow, we would greatly appreciate it.”

Bukod sa award-winning actress ay nagpaabot na rin ng tulong ang kapwa niya artista na sina Angelica Panganiban, Anne Curtis-Heussaff, at Bea Alonzo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?