39

Apr 22, 2021 @ 22:18
By

Angel Locsin may pa-community pantry sa birthday

Sa kanyang kaarawan sa April 23 ay magtatayo ng sariling community pantry si Angel Locsin.

Ipinasilip niya ang mga essential good na maaaring makuha ng mga nangangailangan tulad ng de-lata, itlog, alcohol, kape, gatas at vitamins.

“Bilang pagpupugay sa bayanihan ng mga Pilipino at sa mga nagtayo ng mga community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa natin, I decided to celebrate my birthday tomorrow by putting up a community pantry,” sey ng aktres sa Instagram post, April 22.

Matatagpuan ang kanyang community pantry sa Titanium Commercial Building, 36 Holy Spirit Drive, corner Don Matias St., Don Antonio Heights, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Bukas daw ito sa publiko mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon o until supplies last ngunit dapat sumunod sa mga protocol at kung maaari ay magdala ng sariling ecobag para hindi makadagdag ng basura.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?