72

Jun 9, 2021 @ 13:33
By

Angel Locsin ibabalik alindog

Sinimulan na ni Angel Locsin ang kanyang bagong diet para maging healthy ang pangangatawan.

Sa Instagram story ni Angel, binahagi niya ang kanyang bagong diet program kung sa 800 calories lang ang maaari niyang kainin.

“Today is the first day of my diet. After so many years, I finally decided to go back,” saad ni Angel.

Pinakita niya ang kanyang tanghalian na ilang piraso ng baboy at patatas.

Sey ni Angel, iyon ang nirekumenda ng kanyang nutritionist para maabot ang kanyang goal.

“Masarap siya! Hindi lasang karton. Shet, happy ako,” sey pa ng Kapamilya actress.

Nagbago ang pangangatawan ng aktres matapos siyang magkaroon ng disc injury.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?