70

Jul 27, 2021 @ 15:23
By

Angel Locsin, iba pang celeb saludo kay Hidilyn

Inulan din ng pagbati mula sa mga celebrity si Pinay weightlifter Hidilyn Diaz matapos hablutin ang unang gold medal ng Pilipinas sa Olympics kahapon, July 26.

Kabilang sa mga celeb na bumati at sumaludo kay Diaz si Angel Locsin.

Sa kanyang Instagram, nag-post si Angel ng throwback photo kasama si Diaz.

“Sana makapagpa-picture uli ako sayo. Saludo @hidilyndiaz,” saad ng aktres.


Samantala, bayani naman ang turing ni Janine Gutierrez sa atleta na nasungkit ang gold medal matapos ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Hidilyn Diaz winning the first ever gold medal for the Philippines is the hero we need on SONA day,” sambit ni Janine sa isang Twitter post.

Nagpasalamat naman si Anne Curtis kay Diaz dahil sa pagbibigay sa Pilipinas ng proud moment.

“Nakakaiyak! What a proud moment for the Philippines! Thank you @diaz_hidilyn. I’m sure you’ve sparked a fire in little girls, in fact, in all children across the country that with hard work & dedication they can fulfill their biggest dreams! MARAMING SALAMAT,” sey ni Anne.

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?