49

Jun 18, 2020 @ 15:30

Angel iniyakan ang Dos

Amusing aloha ang balita tungkol sa hindi mapigilang pag-iyak sa isang zoom conference. Kaya ito lumuha, ay dahil hindi sinasadyang mapag-usapan ang tungkol sa masalimuot na kalagayan ng istasyon kung saan isa siya sa estrella nitong stars.

Ang gusto ko lang maliwanagan, tungkol sa hindi mapigilang pagdausdos ng kanyang luha, saan talaga galing ang nagmamarkulyong damdamin at para kanino talaga ang luha na kapag natuyo ay maging muta?

Pumutok na ang bulkan, dumating ang pesting veerus at nasa alanganing sitwasyon sa kasalukuyan ang network sa Mother Ignacia, parang wala akong nabalitaan o nabasa man lang na may press conference para i-anunsyo na she renewed her contract. May tama ba ang aking rekolekyson na she has not renewed her contract bago pa nangyari ang mga pangyayari?

Kaya hindi ko tuloy maiwasang magtaka, kung tears of sorrow ba talaga iyun o tears of joy dahil nga walang kahit na anong legal na balakid ang kanyang mga susunod na hakbang, kung meron man.

Siguro mas mawawala ang pagtatanong sa aking isipan kung matapos ang kanyang mga this and that fund raising activities for great causes naman talaga, eh ang pagpapakasal nila ni Ginoong Neil Arce ang kanyang haharapin.

Parang mas mainam na mapanood siyang aligaga at masaya sa happy chaos na kasama sa preparation for her forthcoming wedding kesa sa makita siyang umiiyak .

Unawa ko ang malasakit at pag-aalala sa mga kaibigan, kasangga at katrabaho, pero wag na may eme-emeng tears lalo na nga’t sa prangkahang usapan, Angel has now the better option to test the waters once more dahil nga at the rate the hearings are going, hindi muna kailangan pang maging abogado o maging doctor of philosophy para makita ang writings on the wall.

Kat sinakmal ng manyak

Gusto ko sanang pangalanan ang diumanong rapist ni Kat Alano. Pero I decided not to dahil kung siya ngang mismong involved eh hindi pinangalanan ang tinuturo niyang salarin, kaya huwag na.

Ang big reveal ni Bb. Alano comes at the time na malaking usapin na ang “rape is rape” .Hindi ang damit ng babae ang siyang dahilan kaya siya ay ginagahasa kundi ang lalaking sinakmal ng libog at walang konsensya ang siyang tunay na may kasalanan.

Sa usaping gahasaan, ang kulturang macho at patriarchal natin ay hindi pwedeng hindi maisali dahil kahit pa nga leaps and bounds na ang success stories ng mga kababaihan, marami pa rin ang turing sa kanila ay the weaker sex, subservient at sexual objects or trophy wives and girlfriends.

If Kat Alano is dead serious na panagutin ang dapat panagutin, abogado ang kanyang kausapin .Ang paglalantad ng versions of the truth sa social media, huwag na niyang dagdagan pa at baka mauna pa siyang sampahan ng cyber libel. Social media will just break you more lalo na nga’t, kung paniniwalaan ang iyong paglalahad, yung perpetrator na may alegasyon ka, is in a better place and the public has forgiven and forgotten ang kanyang sexual predator phase and persona.

Kung balak mo talaga itong ilaban, gather all the evidences that you have in consultation with your legal team. Hindi ang social media ang platform for your para sa paghingi ng hustisya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?