19

By

Angel inilahad ang pinagdaanan sa napinsalang gulugod

Sharing is caring!

Unti-unti nang naibalik ni Angel Locsin ang kumpiyansa niya sa sarili na makakagawa pa siya ng action scene at magkakaroon pa rin ng malaking kabuluhan sa kanyang karera ang kanyang injured spine.

Sa pinakabagong post ni Angel sa kanyang Instagram, ipinaskil niya ang kickboxing training bilang paghahanda sa gagawin niyang action-serye na “The General’s Daughter”.

Sa caption, inilahad ng Kapamilya actress ang mga pinagdaanan niya nang ma-injured ang kanyang likod at dumating siya sa point na nawalan na siya ng lakas ng loob na gawin ang mga physical activities na dati niyang ginagawa.

Pero dahil sa natutunang lumaban ni Angel sa lahat ng takot niya, nagawa niyang ibangon ang sarili.

@therealangellocsin, “My spine injury will always be with me and it took me a while to accept that. As a former athlete who used to believe in “mind over matter” to conquer pain, I realized that pain is sometimes just a reminder that we might be pushing ourselves too hard beyond our limits.

“But, it doesn’t mean that you should stop. Don’t go there. PLEASE. Rest fo a while. DON’T EVER rush yourself to recovery and NEVER let pressure hinder body’s healing process.

“Take your time. Don’t ever feel guilty or sorry. And don’t try to over-compensate just to please others. Focus on what you can do. ACCEPT and learn to ADJUST.

“After many relapses & tears, Despite being told that I CANNOT anymore, this is me doing kicks again. Prolly not the way that I used to, but this is fine for now. I’m doing this carefully this time, with the help of my trusted PT and instructors.

“Still a long way to go. If your suffering from injuries and reading this. I hope your process will not take as long as mine. If it does, that’s fine. You would know when you’re ready to bounce back. Praying for no pain and speedy recovery,

“If you are among the lucky ones who are not in pain, thanks for taking time to read this long post. I appreciate your effort and I hope that you could help uplift the suffering through awareness and understanding. Cheers to good health!”

Nagsilbing inspirasyon si Angel sa kanyang followers sa Instagram at maging kina Iza Calzado, Kim Chiu, Anne Curtis at Kakai Bautista.

@missizacalzado, “Thank you for sharing your story Gel. You and your kicks still look pretty amazing to me! So happy for you.”

@chinitaprincess, “Wohhhooooo!!! Galing!!! Gogogo!!”

@annecurtissmith, “Get it girl!! You got this Gel!!”

Nag-joke naman ang boyfriend niyang si Neil Arce sa comment nito.

@neil_arce, “Dapat pala nagpamakeup ako, may cameo ako.”

Nasa background nga si Neil. Nakaupo siya sa gilid ng gym na pinag-ensayuhan ni Angel.

Makikita sa video ang maangas at astig na mga sipa at suntok ni Angel na isang pagpapatunay na humupa na ang kirot sa kanyang gulugod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?