224

Sep 28, 2018 @ 18:57
By

Angel excited na sa ABS-CBN Ball, ‘di pa sigurado kung may escort na kasama

Sabik na ang magandang actress na si Angel Locsin para sa ABS-CBN Ball bukas.

Ayon kay Angel, bale pangalawang beses niyang a-attend ng Kapamilya Ball sa loob ng sampung taon.

Unang beses daw ay nu’ng 2008 Star Magic Ball at bukas nga ang ikalawa sa ABS-CBN Ball.

Aniya sa isang event kung saan ni-launch ang Angel Locsin bag collection: “May isang Star Magic Ball akong na-attend-an in my 10 years in ABS-CBN. Ito ‘yung second. I think solo na maglalakad ako sa red carpet. I’m not sure kung may kasama ako. Hindi pa ako sure du’n kung may kasama ako or mag-isa.”

Ayon pa sa maganda at mahusay na aktres, mas pinili niyang ipagawa ang gown na susuotin sa isang local designer na si Popo Go. Trusted daw siya sa mga gawa ni Popo.

“Usually tamad ako mag-attend ng mga ganito pero this time I’m very excited kasi first time na ABS-CBN Ball talaga so gusto ko ma-meet din siyempre ‘yung mga Kapamilya natin. Lalabas ako ng lungga ko at a-attend ako ng ball. Hindi ko pa nakikita ‘yung damit. Wala pa akong idea kung anong damit pero I’m sure sa magic ni Popo Go kayang-kaya niya ‘yun. Magkakagulatan na lang kami du’n at sana magulat din kayo.”

Lahad pa ni Angel, ipinagkatiwala na niya sa designer ang kanyang gown. May pagka-conservative ang actress kaya bahala na raw ang gagawa sa tiyak very impressive at pabulusong gown na kanyang isusuot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?