1,047
Angel bongga ang regalo sa BF na si Neil
By

Angel bongga ang regalo sa BF na si Neil

Inilabas ni Angel Locsin ang pagiging sweet at thoughtful sa boyfriend niyang si Neil Arce.

Nag-organisa ang “The General’s Daughter” star ng isang malaking party kasama ang ilang malalapit na kaibigan para kay Neil.

Nag-perform sa birthday bash ni Neil ang Rivermaya.

Sa video habang nagbo-blow ng cake si Neil ay nilagyan ito ng caption ni Angel ng, “You deserve only the best. Happy birthday to the sweetest person I know. Happy birthday, my love!”

Hindi pa doon natapos ang regalo ni Angel dahil sinorpresa rin nito ng golf cart si Neil na isinalarawan ng huli na “best birthday gift!” niya.

Dahil sa mga regalo na ito ni Angel ay napa-smile niya si Neil.

“I usually don’t like smiling during photos but how can I not smile beside this one 🙂 thanks for organizing the party my Love!” sabi ni Neil.

Kinumpirma nina Angel at Neil ang kanilang relasyon noong February 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?