31

Oct 31, 2020 @ 22:12
By

Angel ‘babaeng may bayag’ – netizen

Hinangaan si Angel Locsin dahil sa matatapang na pahayag laban kay Southern Luzon Command chief Lt. Gen Antonio Parlade.

Sa panayam sa aktres sa programa sa radyo ni Henry Omaga-Diaz nitong Sabado, pinagdiinan niyang hindi siya miyembro o tagasuporta ng New People’s Army (NPA) gaya ng akusasyon ni Parlade.

“Uulitin ko na hindi po ako NPA. Hindi po ako naging NPA. I’ve never been an NPA or supporters of any organization that promotes hate, act of terrorism, any illegal acts or any form of violence, hindi ko po pino-promote ‘yun at against po ako diyan,” diin ni Angel.

“Ang aking natatanging adbokasiya ay tumulong sa kapwa natin na nangangailangan, ‘yon po ‘yung aking nasa isip lagi. Bukal sa puso ko ‘yon at wala akong hinihinging kapalit at wala po akong hidden agenda,” dagdag niya.

Reaksyon ng ilang netizen, isang “babaeng may bayag” si Angel.

“General Parlade, panoorin mo kung paano ka supalpalin ni Angel Locsin ngayon sa Omaga-Diaz Report. Nang makita mo kung paano lumaban ang babaeng may bayag,” comment ni @nipsteranne.

“Sobrang lakas ng power, palaban, at doon sa totoo lamang ang mga sagot ni Angel. Labyu po! Two hearts Mahal na mahal kita huhuhu patuloy lang sa pagtulong sa mamamayang Pilipino. Mabuhay ka! Ewan ko lang kung may mukhang maihaharap pa si Parlade!” react naman ni @JandeilRoperos.

“My god. Grabe yung conviction ni Angel. I stan so hard,” sabi ni @benedictopinion. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?